Ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang Salary Standardization Law of 2015
Sa panukala, ang mga nasa salary grade 1 o sumuweldo ng P9,000 kada buwan ay magkakatangap na ng P11,068
Sakop ng salary increase, mula salary grade 1 hanggang 33
Maliban sa pagtaas ng basic salary, lahat ng empleyado ng gobyerno ay bibigyan rin ng mid-year 14th month pay at performance based bonus o pbb
Tax free ang nasabing bonus para sa salary grade 1 hanggang 11, o ang kumikita ng P9000 – P18, 000
Ang nasa salary grade 12-16 naman o may sweldong P19, 000 – P26, 000 papatawan na ng tax ang kanilang pbb
Sa kabila nito may ilang grupo ng mga guro ang hindi kontento sa pagtaas ng kanilang sweldo
Ayon sa kanila hindi dapat isama sa kanilang sweldo ang bonuses gaya ng 14th month pay at pbb
Paliwanag naman ni Budget Sec. Florencio Abad, minabuti nila na gawing bonus ang mga ito upang maging tax free at mas malaki ang take home pay ng mga empleyado
Kung maisasabatas, ito ay magiging epektibo sa a-uno ng Enero sa susunod na taon.
Tags: Budget Sec. Florencio Abad, Salary Standardization Law of 2015