Nagsagawa ng Oplan Galugad ang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilang selda sa loob ng Manila City Jail pasado alas kwatro kaninang madaling araw.
Nasabat sa operasyon ang aabot sa nasa sampung sako ng iba’t-ibang improvised deadly weapons, constructions tools, cellphones, drug paraphernalia at iba pa.
Ayon kay City Jail Warden Superintendent Randelle Latoza, bumaba na ang bilang ng mga nakuhang kontrabando kumpara sa huling malaking Oplan Galugad na naisagawa noong Disyembre ng nakaraang taon.
Karaniwan umanong naipapasok ang mga ito sa pamamagitan ng mga bisita ng inmates na itinatago ang mga kontrabando sa mga gamit o iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Tags: kontrabando, Manila City Jail, Oplan Galugad