Sakit ng mga manok sa isang farm sa Cabiao, Nueva Ecija, inaalam pa ng Department of Agriculture

by Radyo La Verdad | November 29, 2017 (Wednesday) | 8813

Hinihintay pa ng Department of Agriculture ang resulta ng confirmatory test mula sa mga manok sa Nueva Ecija. Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol, nakarating sa DA ang ulat na nasa apat na pung libong manok ang pinatay sa Cabiao, Nueva Ecija.

Pinuri ng kalihim ang mabilisang aksyon ng mga lokal na beterinaryo at may-ari ng farm. Wala naman aniyang dapat ikabalaha ang publiko dahil kontrolado na ang sitwasyon.

Base sa bagong protocols na ipinatutupad ng DA, ang apektadong farm lamang ang pagsasagawaan ng pagpatay sa mga manok at iba pang uri ng ibon. Magsasagawa ng pagsusuri sa mga lugar sa palibot ng apektadong farm at walang nang ipatutupad na 1km at 7km radius quaranteen zones. Ang bagong protocol ay inaprubahan ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries o PCAF.

Ang Cabiao ay katabing bayan lamang ng San Isidro sa Nueva Ecija kung saan nagkaroon din ng bird flu sa kalagitnaan ng 2017.

 

 

Tags: , ,