Safety Protocols patuloy na pinapaigting ngayong National Vaccination Drive – NVOC

by Radyo La Verdad | November 30, 2021 (Tuesday) | 490

METRO MANILA – Tiniyak ng pamahalaan ang patuloy nag pagpapaigiting ng health and safety protocols sa pagpasok ng ikalawang-araw ng National Vaccination Drive ngayong ika-30 ng Nobyembre sa kabila ng banta ng Omicron COVID-19 variant.

Ayon kay National Vaccine Operations Center (NVOC) chairperson at Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, tinitiyak ng marshals at ushers ang pagsunod ng mga mamamayan sa social distancing at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Dagdag pa niya, inaasahan din ngayong araw (November 30) ang maraming magpapabakuna ayon sa kaniyang pahayag sa Laging Handa briefing.

Aabot sa 8,000 vaccination hubs sa buong bansa ang bukas operasyon sa “Bayanihan Bakunahan” drive at may target na 9 milyong babakunahan.

Patuloy pa ring hinihintay ng NVOC sa pag-isyu ng Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) upang mapatupad ang booster vaccinations sa iba pang sector, saka ilalabas ang guidelines patungkol sa booster at third dose para sa general population.

Sa ulat noong Lunes, 83,852,042 doses na ang naiturok sa buong bansa, 36,078,815 na ang fully vaccinated at umabot na rin sa 233,949 ang booster shots.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: