Safety measures sa mga eskwelahan na nakatayo sa ibabaw ng West Valley Fault, iprinisinta ng DepEd

by Radyo La Verdad | May 26, 2015 (Tuesday) | 1897

WEST VALLEY FAULT
Tinalakay ng Department of Education ang mga paghahanda ng ilang eskwelahan na nasa ibabaw ng West Valley Fault, sakaling magkaroon ng malakas na lindol sa bansa

Kabilang sa anim na eskwelahan na transected sa West Valley Fault ang Barangka National High School sa Marikina, Alabang Elementary School, Buli Elementary School at Pedro E. Diaz High School sa Muntinlupa.

Kasama rin dito ang Anne Claire Montessori sa Taguig City, at Karahume Elementary School sa San Jose del Monte Bulacan.

Batay sa pagaaral ng PHILVOCS, mas makabubuti kung i-dedemolish o lisanin na ng tuluyan ang mga school building na nakatayo sa ibabaw ng West Valley Fault upang maiwasan ang anumang aksidente.

Karamihan sa mga naturang eskwelahan ay nagsasagwa na ng konsultasyon sa Department of Public Works and Highways at PHILVOCS upang mapagaralan ang structural integrity ng mga building.

Habang ang iba naman ay nakikipag-ugnayan na rin sa ibang mga karatig eskwelahan upang pansamantalang makigamit ng ilang klasrum.

Ang Administration Building ng Alabang Elementary School ay ipinagiba na at nakatakdang pagtayuan na lamang ng isang learning center.

Ang ilang eskwelahan tulad ng Barangka Elementary School, Tibagan Elementary at National High School ay nagsasagawa naman ng regular emergency drill upang malaman ng mga guro at magaaral ang gagawin sa oras ng sakuna.(Joan Nano/UNTV News)

Tags: ,