METRO MANILA – Binigyan diin ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na dumaan sa masusing serye ng konsultasyon sa mga eksperto ang nalalapit na pagpapatupad ng face-to-face classes upang masiguro na ligtas ang pagbabalik sa mga paaralan.
Ibinahagi ni Secretary Briones na ang kagawaran ay agad na nagsagawa ng mga konsultasyon sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at sa iba pang grupo para makabuo ng mga patnubay para sa pagbubukas ng mga paaralan sa gitna ng pandemya.
Noong nakaraang buwan nilagdaan ng DepEd at DOH ang Joint Memorandum Circular (JMC) para sa paunang implementasyon ng face-to-face classes matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa nito sa 120 na mga paaralan.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)
Tags: DepEd, face-to-face classes