Safety guidelines sa mga proyektong imprastraktura, inilabas na ng IATF vs COVID-19

by Erika Endraca | May 12, 2020 (Tuesday) | 3312

METRO MANILA – Ngayong pinahihinutulutan na ang ilang construction activities na may kinalaman sa essential sektor sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine  (ECQ)  gayundin ang iba’t ibang proyektong imprastraktura sa general community quarantine areas, nagpaalala ang gobyerno sa mga panuntunan na dapat sundin upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease.

Pangunahin na dito ang pagkakaroon ng inventory ng mga construction work para matiyak ang social distancing.

Pagsasagawa ng salit-salitang break time.

Pagpapatira sa maayos na quarter ng mga empleyado sa panahong itatagal ng proyekto subalit kung walang matutuluyan, kinakailangang magsagawa ng panuntunan sa re-entry.

Lilimitahan ang paglabas sa construction sites at magsasagawa ng disinfection pag galing sa labas.

Araw-araw magsasagawa ng disinfection sa field offices, quarters ng mga worker at iba pang common areas.

Kinakailangang i-suplay ng concessionaires, contractors, subcontractors at suppliers ang pagkain, inumin, disinfectans at hand soaps sa mga in-house personnel.

Araw-araw ang monitoring sa kalusugan ng mga trabahador at ang mga may sintomas ng COVID-19 ay kinakailangang sumailalim sa 14 – day quarantine.

Sa mga publikong proyektong ang dpwh engineers ang magpapatupad ng estriktong pagsusuot ng personal protective equipment.

Para sa mga government at essential private construction projects, dapat may safety officer na titiyak na naipatutupad ang safety standards at quarantine protocols.


Di hinihikayat ang sharing ng construction at office equipment subalit kung di maiiwasan, kinakailangang i-disnfect ang mga gamit bago gamitin ng iba.

Di naman pinahihintulan ang non-essential personnel sa construction site at kinakailangang mag-log ang lahat ng tauhang papasok sa site premises.

Bawal din ang mga pagtitipon at alcohol drinking.

“Ang pagtitipon, alak, merry making ay mahigpit na ipiangbabawal sa construction site dapat ding ipatupad ang proper waste disposal sa mga c onstruction site” Ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.


(Rosalie Coz | UNTV

Tags: ,