Safe conduct pass para kay MNLF Chairman Nur Misuari, nirerespeto ng Zamboanga City Government

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 938

DANTE_SAFE-CONDUCT
Naniniwala ang pamahalaang lokal ng Zamboanga city sa magandang layunin ng Pangulong Duterte sa pagbibigay nito ng safety conduct pass para kay MNLF Chairman Nur Misuari.

Ito ay upang wakasan ang karahasan partikular sa Mindanao at ang matagal nang sigalot sa pagitan ng grupo ni Misuari at pamahalaan.

Nitong nakaraang linggo, muling sinabi ng pangulo ang kanyang plano na pakikipag-usap kay misuari sa harap ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco.

Hiniling din ng pangulo ang pag-agapay ng PNP at AFP kay misuari sa kabila ng pending warrant of arrest dito.

Si Misuari ang itinurong utak ng Zamboanga city noong 2013.

Ngunit ayon sa pamahalaang lokal, hindi ito nangangahulugan na iniurong na nila ang kaso laban sa MNLF Chairman.

Nasa kapangyarihan ng Supreme Court ang desisyon kung ano ang nararapat gawin dahil sa pagiging wanted ni Misuari.

Aminado ang lokal na pamahalaan na may ilang complainants na tila pinanghinaan na ng kalooban kasunod ng pahayag ng pangulo subalit umaasa sila na makakamit pa rin ang inaasam nilang hustisya.

Sa darating na Biyernes, September 9 ay gugunitain ng pamahalaang lungsod ang ikatlong taon ng madugong Zamboanga siege.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: ,