SAF troopers na nakabantay sa New Bilibid Prisons, hindi na aalisin sa kabila ng panibagong isyu ng illegal drug trade – PNP Chief dela Rosa

by Radyo La Verdad | July 5, 2017 (Wednesday) | 2240


Personal na hinarap ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa ang mga miyembro ng Special Action Force na nagbabantay sa New Bilibid Prison kaninang umaga.

Tinanong ang mga ito ni PNP Chief dela Rosa kung totoo ang balitang muling pamamayagpag ng illegal drug trade sa bilibid dahil sa kanilang partisipasyon.

Ayon kay dela Rosa, malaki ang kanyang tiwala na hindi kayang suhulan ng mga drug lord sa NBP ang SAF troopers.

Gayunman nagbabala siyang ipapakulong niya ang sinomang SAF member na mapapatunayang sangkot sa operasyon ng droga sa State Penitentiary.

Sa kabila ng alegasyong ito, nagpasya si PNP Chief na ang SAF members pa rin ang magbabantay sa bilibid partikular na sa bilibid 14 kung saan naroroon ang high profile inmates.

Samantala ikinagulat naman ni dela Rosa ang impormasyong nasa medium security compound na ang chinese high profile inmate na si Peter Co na dating nakakulong sa building 14

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,