Sabay-sabay na pagkain, malaking bahagi sa sanhi ng hawaan sa workplace- DOH

by Erika Endraca | March 24, 2021 (Wednesday) | 12453

METRO MANILA – Binigyang diin ng Deparment Of Health (DOH) na malaking bahagi ng hawaan ng Covid-19 ang pagkukumpulan hindi lamang sa tahanan kundi pati sa trabaho.

Ayon pa sa DOH, ang pangunahing dahilan ng hawaan ngayon ay ang home gatherings o pagtitipon- tipon sa loob ng tahanan.

Kaya naman lumalalabas sa mga ulat na may clusteting ng Covid-19 infection sa mga pamilya.

Pangalawa ayon sa DOH ay ang workplace gatherings.

Sa mga ganitong pagtitipon, nagkakaroon ng hawaan dahil sa respiratory droplet transmission.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasalita, pag- ubo at pagbahing ng isang taong positibo sa Covid-19.

Malaking bahagi rin aniya ng sanhi ng hawaan ng Covid-19 ay ang sabay- sabay na pagkain kapag may mga gathering.

“People are eating etc..this is not specific to an industry but the act po of gathering. So that the restrictions that are being considered are those that promote gathering. People put their guards down, they don’t have mask they take it off. They do not fulfill this distance requirement has been what our data has been showing” ani Disease Prevention and Control Bureau Director, Dr Nikka Hao.

Kaya naman sa paghihigpit muli ng mga ipinapatupad na quarantine restriction sa bansa.

May mga umiiral ding patakatan sa loob ng workplace. Ipinagbabawal muna ang face to face meeting at sabay- sabay na pagkain sa iisang lugar.
Paalala ng dti, nakasaad sa memorandum circuar no. 85 n inisyu ng malacañan na lilimitahan ang operational capacity sa mga ahensya at opisina .

“For executive offices 30% na lang ang ina- allow and we encourage also the private sector to follow soon para less people in the offices, less gathering as long as they are able to comply with the job and the requirement of the business ng operations nila” ani DTI Usec Ruth Castelo.

Hanggat maaari ipatupad din ng mga kumpanya ang alternative work arrangements at telecommuting o work from home scheme.

Ayon sa DOLE kung hindi maiiwasan ang pisikal na pagpasok sa trabaho mapaalalahanan ang mga manggagawa na responsableng sundin ang minimum public health standards .

“Work from home if applicable but we understand for factories’ operations to be present if it has to happen, we still ask them can you limit if not then then minimum public health, the physical distancing, ventilation, those have to be of course, they should be full compliant to that. The face shield pls lang ha, they can take it off if it is going to hinder work but once there is interaction or once they face again they have to put it on, the mask that should be fully complied with as well” ani DOLE Bureau of Working Conditions, Asec Teresita Cucueco.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , ,