Russian President Putin, bibisita sa Pilipinas sa imbitasyon ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | October 28, 2019 (Monday) | 4444

METRO MANILA – Kinumpirma ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev na tinanggap ni Russian President Vladimir Putin ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya na bumisita sa Pilipinas.

Ayon sa diplomat, ito ang unang pagkakataon na bibisita sa bansa si Russian President Putin sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte. Hindi pa umano tiyak ang petsa ng pagpunta ni Putin dito sa Pilipinas pero posibleng mangyayari ito sa lalong madaming panahon

Ayon kay Kovaev handa ang Russia na tumulong sa Pilipinas partikular na sa mga gamit ng militar gayundin sa suplay ng kuryente at langis. Nais rin umano ng russia ang Pilipinas na magsagawa ng joint oil and gas exploration sa kanilang bansa

Dalawang beses nang nagkaroon ng state visit sa Russia si Pangulong Duterte kung saan ang una ay napaiksi noong may 2017 dahil sa marawi siege samantalang ang pangalawang pagkakataon naman ay nito lamang October 1 – 6, 2019.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pagbisita sa Pilipinas ni Russian President Putin ay inaasahang magpapatibay pa sa ugnayan ng 2 bansa. Dagdag pa ng opisyal, maraming dapat pag-usapan ang Pilipinas at russia lalo sa isyu ng seguridad, ekonomiya, turismo, edukasyon at iba pa.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,