Russia, nais magtayo ng pharmaceutical company sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccine manufacturing – Pres. Duterte

by Erika Endraca | October 15, 2020 (Thursday) | 2063

METRO MANILA – Nag-farewell courtesy call si Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kahapon (Oct. 14).

Inihayag ng Presidente na napag-usapan nilang dalawa ang plano ng russia na magtayo sa bansa ng pharmaceutical company para sa Covid-19 vaccine manufacturing.

“I just had a talk with the ambassador of russia, the outgoing and we had a serious one-on-one talk and he said russia is coming in, they want to establish here, gagawa sila ng pharmaceutical and vaccine papasok.”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Muling inulit ng Presidente na para sa kaniya, maaaring sa China o sa Russia magmumula ang Covid-19 vaccine na bibilhin ng Pilipinas.

Nakahanap na rin aniya siya ng sapat na pondo pambili ng unang batch subalit maghahanap pa ng salapi pambili ng kinakailangang bakuna para sa lahat ng mga mamamayan.

“Nakahanap na ako ng pera, i have the money already for the vaccine, but hahanap pa ako ng maraming pera because you know there are 130-M filipinos and to me ideally, all should have the vaccine without th excemption.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon naman aniya kay Health Secretary Duque, posibleng sa Abril maging available ang bakuna.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: