Umaasa ang Philippine delegation na lumabas ang desisyon ng limang miyembro ng arbitral tribunal sa loob ng dalawang buwan.
Ito ay kaugnay sa petisyon ng Pilipinas na mamagitan at masaklaw ng naturang tribunal ang hurisdiksyon kaugnay sa West Philippine Sea issue
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, karaniwang sa loob ng 2 buwan lumalabas ang naturang desisyon subalit hindi naman masabi pa ng Malacañang kung ano ang committed timetable ng tribunal.
Sa kasalukuyan ay binigyan muna ng arbitral tribunal ang mga abugado ng Pilipinas ng hanggang July 23 upang magpasa ng written response sa karagdagang mga katanungan ng tribunal.
Mababatid na noong July 13 natapos ang 2nd round ng oral arguments na nagsimula noong July 7 sa The Hague, Netherlands kung saan iprinisinta ng Pilipinas ang posisyon nito sa territorial dispute laban sa China.(Jerico Albano/UNTV Radio)