Rules sa gun ban para 2023 BSKE, inilabas na ng Comelec

by Radyo La Verdad | May 22, 2023 (Monday) | 7766

METRO MANILA – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang rules o mga panuntunan hinggil sa ipatutupad ng gun ban simula sa August 28 hanggang November 29, 2023.

Kaugnay ito sa nalalapit na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa Comelec Resolution Number 10918, magsisimula ang aplikasyon para magkaroon ng exemption ng gun ban sa June 5, 2023 para mabigyan Certificate of Authority.

Nakasaad din dito ang mga personalidad o opisyal ng pamahalaan na otomatiko nang exempted sa gun ban tulad ng pangulo, bise presidente, mga mahistrado ng Korte Suprema, cabinet secretaries at iba pa.

Ang paglabag sa gun ban ay maituturing na election offense at maaaring makulong ng 6 na taon na walang probation.

Posible rin na na tuluyan nang mawalan ng karapatan na bumuto at humawak ng anomang posisyon sa pamahalaan.

Tags: ,