Rule of Law Index Rating ng Pilipinas, bumagsak dahil sa hindi nareresolbang mga kaso ng pagpatay

by Radyo La Verdad | January 26, 2017 (Thursday) | 907


Labis na nakaapekto sa Rule of Law Index Rating ng Pilipinas ang mga hindi nareresolbang kaso ng pagpatay sa bansa.

Ayon kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ito anya ang isa sa mga dahilan kung bakit bumagsak ang grado ng Pilipinas sa Rule of Law Index ng world justice project.

Ang Rule of Law Index ang kinikilalang batayan kung gaano kabisa ang pagapatupad ng hustisya sa iba’t-ibang bansa.

Mula sa pang animnapu noong 2014, umakyat ang bansa sa pang limamput isang pwesto noong 2015 ngunit bumagsak ito sa pang pitumpung pwesto nitong nakaraang taon.

Itinuturing aniya ito ng hudikatura bilang isang indikasyon ng pagkawala ng tiwala sa sistema ng hustisya sa bansa kaya payo niya sa pamahalaan, maghanap ng paraan upang maremedyuhan ang unsolved killings sa bansa.

Sa kabila nito ay nanawagan naman ang punong mahistrado na patuloy na magtiwala sa sistema ng hustisya sa bansa lalo na’t wala aniyang tigil ang hudikatura sa pagpapatupad ng kinakailangang mga reporma.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,