Roxas Blvd sarado sa mga motorista ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 2480

macky_roxas-blvd
Sarado sa mga motorista ang magkabilang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa Padre Faura hanggang sa President Quirino Avenue simula ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi ngayong araw.

Batay sa announcement ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, ang pagsasara ng Roxas Boulevard sa daloy ng trapiko ay upang bigyang-daan ang ilang activities na may kinalaman sa World AIDS Day na nakatakdang gawin sa iba’t ibang mga lugar sa kahabaan ng Roxas Blvd.

Kabilang sa mga lugar na ito ang mga sumusunod:

Plaza Rajah Sulayman
Remedios St. (likuran ng Max’s Restaurant)
South Drive (malapit sa Rizal Park).

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan pansamantala sa kahabaan ng M.H Del Pilar street.

Tags: ,