Rotary Club at MCGI, nagsagawa ng Food Bank Drive Campaign sa Grande Prairie

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 6188

Ang bansang Canada ay napapabilang sa grupo ng 3rd World Country na may sapat na kakayanang mamuhay ang mga mamamayan.

Bagaman mayaman ang bansa ay may mga taong nakakaranas pa rin ng gutom o kawalan ng sapat na pagkain.

Ayon sa statistics, halos 860,000 na katao ang tinutulungan ng Food Bank buwan-buwan, at 36% sa mga ito ay mga kabataan at mga bata.

Ang Food Bank ay non-profit charitable institutions na tumutulong sa pagbibigay ng pagkain sa mga nakararanas ng gutom o kulang sa pambili ng pagkain.

Kamakailan ay nagsagawa ng Food Drive Campaign ang mga volunteer ng Members Church of God International (MCGI) sa Grande Prairie.

Ikinatuwa naman ito ng  Rotary Club at Salvation Army dahil nahigitan  nila ang target na 40 tons of goods sa  isinagawang Food Drive sa pakikipagtulungan ng MCGI.

Mahigit walong daang volunteers ang nagtulong upang maabot ang target na food donations, isa na dito si VJ, residente ng Grand Prairie.

Bukod sa mga dalang food donations ng lahat ng volunteers, kasama din ang MCGI na nagbahay-bahay upang kumatok sa pintuan ng kominidad.

Marami sa mga inabutan ng volunteers ay nakahanda na sa labas ng bahay nila ang mga food donation. Ang nakolektang food donations ay dadalhin sa Food Bank at ito ay bukas sa lahat ng mga taong nangangailangan ng libreng pagkain.

Nananawagan naman ang United Filipino Community sa mga Filipino na makibahagi sa mga donation drive na ginagawa ng pamahalaan.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang MCGI Grande Prairie sa pagkakataong makasama sa mabuting gawa para sa kapwa tao.

Sa pamamagitan ng Food Drive Campaign, napag-uugnay ang mga nangangailangan ng pagkain at ang mga may sobra o kakayanan namang magbigay.

Kaya naman umaasa ang Rotary at Salvation Army na patuloy na makikipagtulungan sa kanilang mabuting adhikain.

 

( Jeffrey Reyes / UNTV Correspondent )

Tags: , ,