METRO MANILA – Tinatayang nasa 690,000 immunocompromised individuals o mga may karamdaman edad 18 taon pataas ang eligible na makatanggap ng second booster shot sa Pilipinas.
Ang mga kabilang sa immunocompromised ay ang mga diagnosed ng HIV, cancer patients, transplant patients at umiinom ng immunosuppressive medicines at iba pa.
Ayon kay NVOC Chairperson at Department of Health Usec. Myrna Cabotaje, target nilang mabakunahan sa unang araw ng rollout ng second booster shot ang nasa 7,000 pataas na kabilang sa A3 sector.
Tiniyak ng opisyal na may sapat na supply ng COVID-19 vaccines sa bansa para sa rollout ng second booster dose.
Gagamitin dito ang COVID-19 vaccine brands ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinopharm at Sinovac
Isasagawa ang second booster rollout ngayong araw sa Jose N. Rodriguez Hospital sa Caloocan City, Valenzuela medical center at sa Philippine children’s hospital sa Quezon City.
Samantala, inaaral pa ng health technology assessment council ang second booster dose para sa senior citizens at healthcare workers.
Ngayong linggong ito inaasahan na rin na mailalabas ng HTAC ang kanilang rekomendasyon para sa A1 at A2 sectors para sa pagbabakuna rin ng kanilang second booster dose.
(Aiko Miguel | UNTV News)