METRO MANILA – Posibleng may ipatupad na panibagong bawas o rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, January 2.
Sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaaring bumaba ng P0.30 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng Diesel.
Habang posible namang walang galaw o mabawasan ng P0.25 ang kada litro ang presyo ng gasolina.
Sa Kerosene naman ay inaasahan na magkakaroon ng rollback na umaabot ng P1.10 hanggang P1.30 sa kada litro nito.
Ngayong araw (January 1), posibleng ianunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad bukas.
Ayon kay Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagkapawi ng shipping disruptions sa red sea.