Robredo at Marcos kapwa dismayado sa pagpapaliban sa desisyon ng PET sa Electoral Protect ni Marcos

by Erika Endraca | October 16, 2019 (Wednesday) | 4307
PHOTO Courtesy :
FB of VIce President Leni Robredo and Former Senator BongBong Marcos

METRO MANILA, Philippines – Kapwa dismayado sina Vice President Leni Robredo at Dating Senador Ferdinand Marcos sa ika-4 na pagpapaliban ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na paglabas ng merito sa election protest ni Marcos.

Si Marcos naiinip na sa tagal ng takbo ng kaso pero naniniwala syang paborable parin sa kanya ang magiging desisyon nito.

“Of course its frustrating pero what are you going to do, you have to trust the wisdom of our justices.” ani Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Samantala ayon naman sa Pangalawang Pangulo nalulungkot sya dahil hindi pa rin dinismiss ng Korte Suprema ang petisyon ni Marcos pero positibo naman umano ang kanyang pagtanggap sa desisyon ng SC na isapubliko ang resulta ng recout sa 3 pilot provinces sa Negros Oriental, Iloilo, And Camarines Sur.

“Pero frustrated na hindi pa din na-dismiss. Siguro half relieved. Relieved because isasapubliko iyong committee report.“ ani Vice President Leni Robredo.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,