RMA Committee walang nakikitang iregularidad sa resulta ng halalan

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 1199

TAMMY-LIPANA
Sa ilalim ng automated elections law isa sa kailangang magawa pagkatapos ng halalan ang random manual audit o RMA

Sa tatlong automated elections sa Pilipinas, pinaka marami ang isinailalim rma sa taong ito na aabot sana sa 715 subalit hindi nakapagsagawa ng audit sa ilang lugar sa ARMM dahil sa ilang security concern.

Sa prosesong ito manu-manong bibilangin ang boto sa balota para sa pangulo, pangalawang pangulo, congressman, governor at mayor at ikinukumpara naman sa electronically generated result ng vote counting machine.

Batay sa inisyal na ulat ng RMA Committee o matapos masuri ang mga balota sa tatlong daan at limampu’t tatlong presinto lumabas na 99.74 ang accuracy rate ng VCM count kumpara sa manual count.

Paliwanag ng grupo nagkakaroon lang ng pagkakaiba sa bilang dahil may mga kwestyunableng marka sa ibang balota.

Batay din sa pagsusuri ng RMA Committee walang indikasyon na may nangyaring iregularidad sa nagdaang halalan.

Subalit para sa Philippine Statistics Authority hindi pa ito masasabing kabuoang resulta na ng trabaho dahil halos kalahati pa lang ang naisasailalim sa audit.

Samantala pinawi naman ng NAMFREL ang pangamba ng ilan kaugnay sa undervotes.

Una nang sinabi ng kampo ni vice presidential candidate Bongbong Marcos na tila kaduda-duda ang pagkakaroon ng halos apat na milyong undervotes sa halalang ito.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: ,