River Ganges, posibleng umapaw dahil sa patuloy na ulan dulot ng Southwest Monsoon

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 1205
Lubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng India(REUTERS)
Lubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng India(REUTERS)

Nananatiling lubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng India dahil sa malakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon.

Ayon sa ulat, umabot na sa danger level ang tubig sa Ganges River sa Uttar Pradesh.

Dahil dito, pinaalalahanan ang mga residente malapit sa ilog lalo na sa mga bayan ng Ghazipur at Balia na maging alerto at kung maaari ay lumikas na.

Ang Ganges River ang pangatlo sa pinakamalalaking ilog sa buong mundo.

Umaabot sa 400 million ang populasyon na naninirahan sa paligid nito.

Tags: , ,