Muling nanawagan sa iba’t ibang bansa ang World Health Organization (WHO) na paghandaan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nitong weekend itinaas ng WHO sa “very high” alert ang kanilang risk assessment kaugnay ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa WHO kabilang sa kailangang paigtingin ang kakayahan na matukoy at mai-quaratine ang isang Coronavirus infected patient, ang contact tracing sa mga nakasalamuha nito, pagbibigay ng maayos na medical attention sa pasyente at iwasan ang outbreak ng deadly virus sa mga ospital at komunidad.
Sa taya ng WHO, 30 hanggang 40 bansa ang maituturing na high risk sa pagkalat ng Coronavirus.
“The key to containing this virus is to break the chain of transmission.” ani Who Director-General Adhanom Ghebreyesus.
Ayon din sa WHO patuloy ang ginagawang pagtuklas ng iba’t ibang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.
“More than 20 vaccines are in development globally and several therapeutics are in clinical trials. We expect the first results in a few weeks. ((our greatest enemy right now is not the virus itself, it’s fear, rumors and stigma. And our greatest assets are facts, reason and solidarity.”)) ani ani Who Director-General Adhanom Ghebreyesus.
Kaugnay ng outbreak ng deadly virus ipinagbawal ng French government ang public gathering na mahigit sa 5,000 ang dadalo.
Sa Australia naman ipinagbawal muna ang pagpasok ng mga foreign nationals na nanggaling ng iran.
Ang mga Australian citizens naman na nanggaling ng Iran ay kailangan mag self-isolate ng 14 na araw habang hinikayat naman ng pamahalaan ang kanilang mga mamamayan na huwag magtungo sa naturang gulf state dahil sa outbreak ng COVID-19 doon.
Sa Japan pansamantalang ipinasara ang Tokyo Disneyland mula noong Sabado hanggang sa March 15.
Una na ring ipinagutos ng Japanese government ang pagpapasara sa lahat ng paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus.
Samantala naitala naman ng Thailand kahapon(March 1) ang unang kaso ng nasawi dahil sa COVID-19.
Mahigit 40 ang Coronavirus cases doon pero karamihan ay gumaling na at 11 na lang ang binabantayan ngayon sa pagamutan.
Pero sa China ilan sa mga gumaling sa COVID-19 ang muling nagpositibo sa naturang sakit.
Pero batay sa obserbasyon ng mga eksperto hindi naihawa ng mga ito ang ibang tao.
(Grace Casin | UNTV News)
Tags: Coronavirus Disease