Rice hoarder at cartels, kilala na ng PNP

by Radyo La Verdad | July 25, 2018 (Wednesday) | 2677

Nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasa likod ng pagtaas at nananamantala sa  presyo ng bigas sa bansa.

Inatasan na aniya ang mga concerned agencies na tukuyin kung sino ang mga nasa likod ng tinagurian niyang economic sabotage na ito.

Ipinahayag naman ng Philippine National Police na kilala na nila kung sino-sino ang nasa likod ng rice hoarding sa bansa.

Gayunman, tumanggi si PNP Spokesperson PSSupt. Benigno Durana na tukuyin o pangalanan ang mga ito.

Sinabi ni Durana na pag-aaralan nila ang galaw at magsasagawa sila ng intelligence operations laban sa mga saboteurs na nagmamanipula sa presyo ng bigas sa bansa.

Ang hakbang ng PNP ay alinsunod sa pahayag ng Pangulo hinggil sa mga nagsasagawa ng hoarding ng bigas sa bansa para mapataas ang presyo nito.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,