Reward money system, malaking tulong upang hikayatin ang mamamayan na tumulong sa pagneutralize ng mga masasamang loob – AFP

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 1166

RESTITUTO-PADILLA
Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na epektibo ang reward money system ng pamahalaan upang mahikayat ang mga mamamayan na tumulong sa pagsuplong ng mga masasamang loob.

Sa tulong ng mga impormante o tipster ng mga otoridad, dalawang liderng New People’s Army, tatlong lider din ng teroristang grupong Abu Sayyaf at apat nilang mga kasabwat ang nahuli at natugis ng mga otoridad mula 2010 hanggang 2014.

Ipinagkaloob sa mga impormanteng ito ngayon martes ang pabuya bilang ganti sa pakikipagtulungang sa mga militar na aabot sa kabuuang 22.5 million pesos.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Restituto Padilla Jr., dumarami ang mga impormanteng tumutulong sa pamahalaang maisuplong ang masasamang loob dahil sa maayos na pagbibigay na pabuya sa mga tipster. (Rosaie Coz/ UNTV News)

Tags: , ,