Revised guidelines ng Alert Level System, muling nirebisa ; Pilot testing ng bagong polisiya, ipatutupad sa NCR sa Sept. 16

by Erika Endraca | September 13, 2021 (Monday) | 3031

METRO MANILA – Tuluyan nang bubuwagin ang paggamit ng mga community quarantine classification gaya ng ECQ, MECQ at iba pa kapag ipinatupad na sa buong bansa ang alert level system.

Paliwanag ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, ito ay upang hindi na malito ang mga mamamayan sa mga bagong polisya ng pamahalaan sa paglaban sa pandemya.

Kasabay nito ang dati nang ipinatutupad na granular lockdown ng mga Local Government Units.

Ngunit suportado na ng national government ang pamamahagi ng food packs sa mga maaapektuhang residente.

“Una sa lahat, para hindi tayo magkalituhan, i-set aside ninyo po yung issue ng alert level kasi wala ho yang kinalaman sa granular lockdown. Ibang sistema po yan. Sabay ho natin ipatutupad. Ang alert levels ay gagamitin natin sa mga lugar na hindi naka-lockdown.” ani DILG Usec. Epimaco Densing.

Sa Alert Level System, kapag nasa lugar na nasa level 1 to 3, halos lahat ay maaring lumabas kabilang na ang mga bata maliban na lang sa ilang lugar na tutukuyin ng LGU.

Ngunit kapag nasa level 4, ipagbabawal lumabas ang mga below 18 at over 65 years old, persons with comorbidity and immunodeficiency at mga buntis.

Para naman sa mga pribadong establisyimento, papayagan ang full capacity sa mga lugar na nasa level 1

Habang ang level 2 to 4 naman, hangga’t maari ay limitado ang on-site capacity at ipatutupad ang work-from-home at flexible working arrangements.

Samantala, ang mga ahensya ng gobyerno at opsina nito ay may iba-ibang onsite capacity depende sa ipinatutupad na alert level.

Doh ang magdedeklara ng alert level sa bawat LGU.

Ayon kay Usec Densing, hindi limitado sa bilang ng mga kaso sa partikular na lugar ang pamantayan ng doh sa pagtukoy ng alert level.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,