Retrieval operations sa mga landslide area sa Cordillera Region, ititigil na sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 3195

Magsisibalikan sa susunod na linggo sa kanilang mga mother unit ang mga pulis at sundalo na tumutulong sa search and retrieval operations sa mga landslide area sa Benguet Province at ilang lugar sa Cordillera.

Ayon kay Office of the Civil Defense-Cordillera Region Director Ruben Carandang, ititigil na nila ang mga retrieval operations sa susunod na linggo.

Sa kabila nito, umaasa ang mga otoridad na mahahanap pa nila ang iba pang natabunan ng landslide sa Barangay Ucab bago itigil ang kanilang operasyon.

Patuloy na sinusubukan ng UNTV News Team na kunin ang reaksyon ng mga pamilya na hanggang ngayon ay hinahanap pa ang kanilang mahal sa buhay.

Sa bagong datos na inilabas ng Cordillera Risk Reduction and Management Council, umakyat na sa 111 ang naitalang nasawi sa buong rehiyon dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

22 ang patuloy na pinaghahanap, labing apat dito ay mula sa landslide area sa Barangay Ucab.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,