Retrieval operation sa nasunog na pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City, ipinagpatuloy na

by dennis | May 14, 2015 (Thursday) | 1592
Presscon na isinagawa sa Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian at PNP OIC Leonardo Espina
Presscon na isinagawa sa Valenzuela City sa pangunguna ni Mayor Rex Gatchalian at PNP OIC Leonardo Espina

Ipinagpapatuloy na ang retrieval operation sa mga labi ng mga namatay sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas dito sa Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchallian, sa kasalukuyan ay nasa 55 na ang bilang ng mga bangkay na nakuha ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinumpirma naman ni City Fire Marshal MeL Jose Lagan na ang naging dahilan ng sunog ay mula sa pagsabog na galing sa spark ng mga nagwewelding na napunta sa kemikal na resin.

Dagdag pa nya, nilalamon na ng apoy ang pabrika nang dumitang sila sa fire scene. Anya, wala silang tawag na natanggap kaugnay ng sunog at kusa silang pumunta sa lugar ng insidente ng may makita silang makapal at maitim na usok.

Pasado naman sa safety standards ang naturang pabrika subalit tanong din ng BFP kung bakit hindi nakalabas ang mga manggagawa sa fire exit na nasa likod ng pabrika.

Nangako naman si Gatchalian ng tulong sa mga pamilya ng namatayan.(Macky Libradilla/UNTV Radio)