Retired AFP members, nagpapasaklolo sa CA na utusan ang DBM, DND at AFP na ibigay ang halos P19 B pension arrears

by Radyo La Verdad | September 25, 2018 (Tuesday) | 9982

Nagpapasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang mga retiradong sundalo upang maibigay na ang halos 19 bilyong piso na pension claims na inaprubahan ng Commission on Audit (COA) noong 2015.

Sa kanilang petisyon, hinihiling ng AFP retirees and pensioners National Coordinating Council na utusan ng CA ang Department of Budget and Management (DBM), Department of National Defense (DND) at mismong Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-release na ang pensiyon na hindi pa naibibigay sa mga retiradong miyembro ng Sandatahang Lakas.

Apela ng mga naulila ng mga retiradong sundalo, ibigay na ang halagang noon pa ay dapat natanggap ng kanilang pamilya.

Sinusubukan ng UNTV News and Rescue Team na kunin ang panig ng AFP, DND at DBM ngunit wala pa itong sagot kaugnay sa isyu.

 

( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,