Resulta ng preliminary investigation sa Mamasapano case, ilalabas ng DOJ ngayong Pebrero

by Radyo La Verdad | February 15, 2016 (Monday) | 1323

RODERIC_DOJ
Ilalabas na ng Department of Justice o D-O-J ngayong buwan ang resulta ng preliminary investigation sa mga reklamo kaugnay ng Mamasapano incident.

Bagamat tinapos na ng DOJ ang pagdinig nitong nakaraang January fourteen, nais lamang umano ng kagawaran na makatiyak sa ilalabas nilang resulta kaya ipinagpaliban ang pagsasapubliko nito.

Ayon kay acting Secretary Emmanuel Caparas, mahalaga na suportado ng ebidensiya ang susunod nilang hakbang lalo na kung isasampa nila sa korte ang kaso laban sa mga respondent.

Mahigit syamnapung mga miyembro ng MILF, BIFF at private army ang nahaharap sa mga reklamong direct assault with murder at thef kaugnay ng pagpatay sa mga tauhan ng PNP-SAF sa maisan ng Brgy. Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero ng nakaraang taon.

Tags: , , ,