Nakahanda nang ilabas ng UP-PGH Dengue Investigative Task Force o DITF ang resulta ng kanilang pagsusuri sa ikalawang batch ng dengvaxia vaccinees na iniuugnay ang kamatayan sa Dengvaxia.
Tiniyak ng Department of Health na sumailalim ang bawa’t Dengvaxia case sa tamang proseso ng histopathological study o ang pagsusuri sa tissue ng isang indibidwal upang malaman kung ano ang sakit na ikinamatay nito.
May mga hawak pang Dengvaxia related death cases ang DOH nguni’t kailangan pa aniyang maberipika ang impormasyon ng mga ito bago muling sumailalim sa hispathological study ng UP-PGH expert panel.
Ayon pa kay DOH Usec. Eric Domingo, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Public Attorney’s Office upang ma-consolidate ang mga hawak nilang ulat kahit na nagpauna na ang mga ito na hindi makikipagtulungan dahil umano sa conflict of interest.
Samantala, malapit na ring ilabas ng World Health Organization Strategic Advisory Group of Experts on Immunization o SAGE ang ulat at rekomendasyon nito ukol sa Dengvaxia.
Nakasaad dito ang tungkol sa bisa ng bakuna at kung kanino lang dapat ibigay.
(Aiko Miguel / UNTV News Correspondent)