Resulta ng pagsusuri nangyaring food poisoning sa 1 barangay sa Calumpit, Bulacan, posibleng tumagal pa ng mahigit 2 linggo

by Radyo La Verdad | October 16, 2018 (Tuesday) | 10679

Tatagal pa ng halos dalawang linggo bago ilabas ng Department of Health (DOH) ang resulta ng pagsusuri sa animnapu’t apat na biktima ng food poisoning sa Barangay Calizon, Calumpit, Bulacan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Dr. Remelyn Sta. Maria, district supervisor ng Calumpit District Hospital, bagaman tapos na nilang kunan ng laboratory test ang mga biktima, hindi pa ito nasusuri lahat.

Sinagot naman ng provincial govermnent ang gastusin sa pagamutan, kasabay nito ay pinayuhan ang publiko na mag-ingat sa mga pagkaing madaling masira o mapanis.

Sa ngayon ay naka-uwi na ang karamihan sa mga biktima at dalawa na lang ang nananatiling nagpapagaling sa Calumpit Disitrict Hospital.

Tiniyak naman ng chairman ng Barangay Calizon na hindi na mauulit ang nangyari.

Wala namang planong magsampa ng kaso ang mga biktima laban sa nagluto ng pagkain.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,