Resulta ng Mamasapano probe, ilalabas ng DOJ ngayong linggo

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 3005

Photo grabbed from BOI's presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)
Photo grabbed from BOI’s presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)

Makalipas ang isang taon nang mangyari ang Mamasapano massacre ay inaasahang ilalabas na ng DOJ ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon sa kaso laban sa 90 na kumander at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at armadong sibilyan na hinihinalang sangkot sa pagpatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao.

Nauna rito ay nabigo ang justice department na maglabas ng resulta ng kanilang imbestigasyon noong Biyernes.

Matatandaang January 25 noong nakaraang taon nang isagawa ang police operation sa Mamasapano para hulihin ang teroristang si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Nangako ang Malacanang na hindi titigil ang pamahalaan hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng SAF commandos ngunit ayon naman kay press Secretary Herminio Coloma, dapat lamang na bigyan ng sapat na panahon ang DoJ para mabusisi ang mga ebidensiya na kailangan para sa resolusyon.

Tags: ,