Resulta ng imbestigasyon sa pagpasok ng mga kontrabando sa AFP Custodial Center, isinumite na sa DOJ

by Radyo La Verdad | February 10, 2017 (Friday) | 863


Pinaaksyunan na ng AFP sa Department of Justice ang kanilang naging findings sa mga communication gadgets na nakapasok sa loob ng AFP Detention and Custodial Center.

Ayon sa AFP, ang DOJ at BuCor ang may kontrol sa administration at management ng mga inmates sa AFP Detention and Custodial Center.

Batay sa kanilang Memorandum of Understanding, tatlong punto ang nakasaad sa rekomendasyon ng AFP sa DOJ;

Una, kumpiskahin ang mga communication equipment na ipinasok at nakakabit sa loob ng pasilidad.

Pangalawa, mas mahigpit na pagpapatupad ng seguridad.

Pangatlo, agarang pagkakabit ng closed circuit television.

Ayon kay Coronel Arevalo, maayos naman ang kanilang memorandum of agreement ng DOJ at BuCor kaya’t walang dahilan upang irevise ito dahil sa nangyaring isyu.

Maghihintay naman ang AFP ng report mula sa doj kaugnay sa naging aksyon na nito at rekomendasyon.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,