Resulta ng imbestigasyon ng PNP-AKG sa Jee Ick Joo kidnap-slay case, ilalabas na sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 1834


Sa susunod na linggo na isasapubliko ng PNP-Anti-Kidnapping Group ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng NBI – PNP Task Force sa Jee Ick Joo kidnap slay case.

Ayon kay PNP-AKG Director PSSupt. Glenn Dumlao, kumpleto na ang imbestigasyon at may nadagdag pang mga suspek sa kaso ngunit tumanggi muna siyang ilabas ang detalye.

Inihayag rin ng opisyal na iniimbestigahan na rin nila ang mga kaso ng pagdukot at pagkawala ng iba pang dayuhan sa bansa dahil may nakikita silang indikasyon na iisang grupo lang ang gumagawa nito.

Gayunman, itinanggi ni Dumlao ang posibilidad na Korean mafia ang nasa likod ng krimen sabay giit na isolated lamang ang kaso ni Jee.

Aminado rin ang opisyal na may gumagaya sa estilo ng grupo kung paano mandukot at mangikil sa mga dayuhang biktima.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,