Manila, Philippines – Pormal nang ipinoraklama ng city board of canvassers si Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang susunod na alkalde ng Maynila.
Tinalo ni isko ang kasalukuyang nakaupong si mayor Joseph Erap Estrada na umaasa sana ng ikatlong termino.
Madaling pa lamang ng Martes, si Domagoso ay nakakuha na ng 347,982 votes na may malaking lamang kay estrada na may 203,993 votes.
Nagmula ang boto sa 94.7 percent na mga presinto sa maynila. Si Moreno ay naging vice mayor ni Erap mula 2013 hanggang 2016 at tumakbo bilang senador noong 2016 ngunit natalo.
“We want an energetic blooming manila to do that is a challenge but what i have said yesterday hinihingi ko ang tulong niyo sa media sa tv manila as the capital of the country.” ani Francisco “isko moreno” Domagoso Proclaimed as next mayor of Manila
Tanggap naman ni mayor Erap ang kaniyang pagkatalo at binati ang bagong halal na alkalde at nanawagan sa kaniyang mga taga suporta na makiisa sa bagong liderato ng Maynila.
Naiproklama na rin ng city board canvassers si dating vice mayor Francis Zamora bilang bagong alkalde ng San Juan, tinalo nito ang apo ni Erap na si Janella Ejercito Estrada.
Tinapos ni Zamora ang limang dekadang pamumuno ng mga Estrada sa San Juan. Dalawang Estrada ang nawala sa kapangyarihan sa metro Manila.
At nanganganib rin ngayon sa senatorial race ang magkapatid na sina senator JV Ejercito at Jinggoy Estrada. Ayon sa political analyst na si Edmund Tayao, ang pagkatalo ni mayor Erap ay nangangahulugan na naghahanap ng pagbabago ang mga taga Maynila.
“Erap was considered as some kind of alternative having been a previous president , so many may have sought he would be better mayor compared to lim, but after two terms there was not matched change happened” ani Prof. Edmund Tayao political analyst
Sa kabuuan ng botohan, ayon kay Tayao, mga bagong mukha sa pulitika ang nais rin ng mga pilipino.
“What is shown to the general results of the elections which is across the board, nage-experiment ang mga tao, ayaw na nila ng more of the same so they elected a different sort of combination” ani Prof. Edmund Tayao political analyst
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: 2019 midterm elections, Isko Moreno, manila, Manila Mayor Joseph Estrada, mayor