Responsible parenthood at family planning sa bansa, isa sa mga tutukang maipatupad ng Duterte Administration

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 2010

BUNTIS
Umabot na sa 102.2 milyon ang populasyon sa Pilipinas noong 2015.

Kabilang sa mga ibubunga ng sobrang dami ng tao sa bansa ang kawalan ng makakain, tirahan at kabuhayan.

At sa pagpasok ng bagong administrasyon, isa sa naiisip na solusyon ni Pres. Duterte ang pagpapatupad ng three-child policy sa bansa.

Sa SONA ng Pangulong Duterte kahapon ipinahayag nito ang implementasyon ng responsible parenthood lalo na sa mga mahihirap na pamilya sa bansa

Una ng nagpahayag ng suporta ang bagong Department of Health Secretary at sinabing isa ito sa mga tutukan ng kagawaran.

Ayon sa DOH, hindi lamang makabubuti sa kalagayan ng kabuhayan ng isang pamilya kung lilimitahan ang bilang ng kanyang anak, may mga benepisyo sa kalusugan ng isang babae.

Ayon sa isang OB-Gynecologist, mas mababa ang panganib sa kalusugan ng isang babae kapag hinidi ito madalas magbuntis.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,