Pasado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang resolusyong naglalayong isagawa ang Charter Change sa pamamagitan ng constitutional assembly.
Ang House Concurrent Resolution Number 9 na naglalayong isagawa ang Charter Change sa pamamagitan ng constitutional assembly.
Kaya naman, ganoon nalang ang pagkadismaya ng Makabayan bloc ang anila’y railroading ng ginawa ng Kamara para ipasa ang resolusyon.
Ilan umano sa kanila ang hindi pa nakapagtatanong nang biglang tinapos ng ang period of interpellation at agad pinagbotohan ang resolusyon. Wala pa namang eksplenasyon ang liderato ng Kamara kaugnay ng nangyari sa sesyon kagabi.
Samantala, isinasapinal na ng House Committee on Constitutional Amendments ang bersyon ng Kamara sa panukalang pederalismo.
Sa panukalang Federal Republic of the Philippines bilang parliamentary form of government, ang Presidente pa rin ang tatayong head of state. Gayunman, wala nang ihahalal na bise Presidente at bubuwagin ang tanggapan nito.
Ang kasalukuyan, mababang kapulungan ng Kongreso na ang tatayong federal assembly at mananatili pa rin ang senado.
Ihahalal naman ng federal assembly ang magiging prime minister. Siya ang may kapangyarihan na mag-appoint at magtanggal ng pinuno ng executives offices, cabinet members, members of the judiciary at police officials.
Samantala, hahatiin na sa 5 estado ang buong bansa, ito ay ang Luzon, Visayas, Mindanao, Bangsamoro Autonomous Region at Metro Manila na magkakaroon ng tig-tatlong state senator. Mananatili ang party list representatives na kakatawan sa mga marginalized sector.
Limang taon tatagal sa posisyon ang presidente, prime minister, senador, miyembro ng federal assembly, local government official at state official ngunit maaari silang tumakbo sa isa lamang re-election.
Kasama rin sa panukala ang pagkakaroon na lang ng 2-party system at ang unang eleksyon sa ilalim ng bagong konstitusyon ay isasagawa sa May 2022.
Maliban sa tanggapan ng pangalawang Pangulo, pinanukala rin ng ilang kongresista na buwagin ang Office of the Ombudsman at Judicial and Bar Council.
Nililimitahan naman sa bersyon ng Kamara ang freedom of the press, speech at expression.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )