Resolusyong inihain ni Sen. Santiago hinggil sa ratipikasyon ng EDCA, inaprubahan ng Senado

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1141

SEN.SANTIAGO
Pinagtibay ng Senado sa botong 15-1-3, ang resolusyon ni Senator Miriam Defensor Santiago na dapat munang ratipikahan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.

Una nang inihain ni Senator Santiago ang resolusyon matapos hingin ng Korte Suprema ang opinyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso sa ilang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng EDCA.

Ang EDCA ay isang kasunduan ng pagtutulungan ng dalawang bansa, partikular na ng Estados Unidos at Pilipinas, sa panahong kailangan ito sa aspetong pangtanggulan laban sa nanggugulong puwersa.

Naniniwala si Senator Santiago na sa pamamagitan ng resolusyong ito ay mabibigyan ng importansiya ang Senado bilang pangunahing sangay ng pamahalaan na kailangang hingan ng permiso bago maipatupad ang nasabing tratado (treaty).

Tags: , ,