Bumubuo na ng resolusyon si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano upang magkaroon muna ng seminar ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan ukol sa gender sensitivity
Ayon kay Cayetano importante ang values sa lahat ng mga elected officials upang ang mga ito’y mas maging sensitibo o maingat
Hindi lang ito nakaukol sa mga kababaihan kundi maging sa kapakanan ng mga bata
“Nagpapa-draft ako ng resolusyon na lahat ng mga opisyales mula Presidente hanggang barangay captain ay dapat dumaan sa some sort of gender sensitivity seminar bago mag take ng office kasi with facebook, with different cultures ngayon with tv at iba na ngayon yung r-rated at x-rated ganun parang yung iba nalilito na kung ano ang okay lang at ano yung art at ano yung malaswa di ba.”pahayag ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano
Ayon kay Cayetano bukod sa sinasabing malaswang presentasyon ng grupong playgirls sa Laguna, kung saan iniuugnay si dating MMDA Chairman Francis Tolentino, marami pang mga katulad na insidente ng exploitation, discrimination at pang-aabuso sa kababaihan at kabataan na hindi naisasapubliko, at nararapat na ito’y masugpo
Myerkules ay kusang umalis si Tolentino sa Senatorial Line up ng Liberal Party para sa 2016 election dahil sa insidente
Kaugnay nito, inihayag naman ni Senate President Franklin Drilon na nirerespeto niya ang desisyon ni Tolentino. ( Bryan de Paz/ UNTV News )
Tags: dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano