Resolusyon sa Espinosa slay, posibleng ilabas ng DOJ sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 15, 2017 (Wednesday) | 1985


Posibleng ilabas na ng Deparment of Justice sa susunod na linggo ang resulta ng preliminary investigation sa kaso ng pagpaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, pirma na lang ni Solicitor General Victor Sepulveda ang kulang sa kanilang resolusyon.

Kasalukuyang naka-leave si Sepulveda at sa Lunes pa ito nakatakdang bumalik ng kanyang opisina.

Dalawamput tatlong pulis ng PNP-CIDG Region 8 kabilang ang dating hepe na si Supt. Marvin Marcos ang nahaharap sa kasong murder dahil sa pagkakapatay kay Mayor Espinosa sa loob ng kanyang selda sa Baybay, Leyte Subprovincial Jail noong Nobyembre.

Nanindigan ang mga pulis na lehitimo ang kanilang operasyon at nanlaban ang alkalde nang i-silbi nila ang search warrant kaya ito napatay.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,