Posibleng maglabas na ng resolusyon ngayong buwan ang Department of Justice sa mga kasong money laundering kaugnay ng $81-million dollars na ninakaw sa Central Bank ng Bangladesh nitong Pebrero.
Submitted for resolution na ang pinagsama-samang reklamo na isinampa ng Anti-Money Laundering Council o AMLC laban kina dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito, casino junket operator na si Kim Wong at sa presidente at treasurer ng remittance company na Philrem na sina Michael at Salud Bautista.
Dati nang iginiit ng kampo ni Deguito na hindi siya kundi ang pamunuan ng RCBC ang dapat habulin ng AMLC sa nangyaring laundering ng perang ninakaw sa Bangladesh.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)
Tags: ilalabas na ngayong buwan, Resolusyon sa $81M money laundering