United States of America – Ipinasa na ng US House of Representatives ang isang resolusyon para pormal na ituloy ang impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump.
Matapos ang botohan lumabas na ang “Yes” para sa impeachment inquiry ay 232 habang ang “No” o ang hindi sumasang ayon ay 196. 2 lamang sa democratic party ang hindi sumang-ayon. Kinundena naman ng white house ang naging resulta ng botohan.
Pagkatapos nito ay makakakita na ng pagbabago sa takbo ng impeachment inquiry. Sa mga darating na hearing maaring makakita na ng articles of impeachment laban kay Trump na maaring mag resulta sa isang trial sa US senate.
Samanatala inaasahan namang patuloy na maghahain ng kanilang mga reklamo at objections ang republicans habang ang democratic party ay maghahanda naman ng kanilang mga ebidensyang magagamit sa impeachment inquiry. Tinawag naman ni Trump itong impeachement inquiry na “The Greatest Witchunt In American History”.
Tags: US President Trump