Resigned COMELEC Chief Andres Bautista, hindi pa rin ligtas sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y tagong yaman – Sen. Francis Escudero

by Radyo La Verdad | October 26, 2017 (Thursday) | 5513

Ipagpapatuloy ng Senate Committee on Banks and Financial  Institutions and Currencies ang imbestigasyon sa umano’y tagong yaman ni resigned Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Committee Chairman Senator Francis Escudero, madali na nilang maiimbitahan si Bautista lalo’t wala na itong immunity matapos umalis sa government service.

Marami pa rin aniyang kwestyon ang naiwan sa nakaraang pagdinig ng senado na dapat sagutin ng dating poll chief.

Kabilang dito ang nakita ng anti-fraud division ng NBI na kahina-hinalang transaksyon sa Luzon Development Bank.

May natuklasan silang accounts ng mga sequestered company ng Presidential Commission on Good Government sa ilalim pa ng pangangsiwa ni dating Chairman Bautista.

Kung hindi masasagot aniya ni Bautista ang mga isyung ito ay posible itong maharap sa patong-patong na mga kaso.

Una na ring sinabi ng dating COMELEC chief na handa niyang harapin at sagutin ang mga alegasyon sa kaniya partikular na ng kaniyang asawa na si Mrs. Patricia Bautista.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,