Naisumite na sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang Philippines Special Envoy to China.
Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, depende pa kay Pangulong Duterte kung tatanggapin nito ang pagbibitiw o hindi.
Ayon naman sa Presidential Communications, malaki ang nagawa ni Ramos upang manumbalik sa magandang ugnayan ang relasyon ng Pilipinas at China.
Kinikilala rin nito ang kahalagahan, kredibilidad at mga nagawa ng dating pangulo sa usapin ng ugnayang panlabas ng bansa.
Tags: Office of the President, Philippines Special Envoy to China, Resignation letter ni dating Pangulong Ramos