Residente ng San Nicolas, Pangasinan, tumanggap ng libreng goods at gupit mula sa PNP

by Radyo La Verdad | October 8, 2021 (Friday) | 3170

Nakatanggap ng libreng gupit at  grocery items ang nasa 80 residente ng Barangay San Felipe, San Nicolas, Pangasinan mula sa mga pulis ng 104th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 1.

Pinagkalooban din  ang mga opisyales ng barangay ng libreng mobile phones at tactical flashlights na magagamit nila sa patrolya.

Pinuri naman ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang inisyatibo ng mga pulis sa Pangasinan  lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Saludo ako sa ating mga pulis dito sa Pangasinan na pinilit tugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan upang makabawas sa kanilang intindihin ngayong may pandemya,” ani PNP Chief PGen Guillermo Eleazar.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,