Residente ng isang barangay sa San Jose Del Monte, Bulacan, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 2213

NESTOR_MEDICAL-MISSION
Nasa apat na pung porsiyento ng mga residente sa Brgy. San Rafael II sa San Jose del Monte, Bulacan ang mahihirap kaya marami ang hindi nakakapagpa-gamot ng kanilang mga karamdaman.

Mas pinipili rin nilang ipambili ng pagkain sa halip na gamot ang kaunting halaga ng kanilang kinikita.

Kaya nang mabalitaan nilang may libreng medical mission ang UNTV at Members Church of God International sa San Rafael Elementary School ay agad silang nagtungo upang samantalahin ang pagkakataon.

Kabilang sa mga inialok na medical services ay libreng laboratory tests, mga gamot at medical consultation.

Sa kabuuan ay umabot sa 809 ang bilang ng mga napaglingkuran sa medical mission ng UNTV at MCGI.

Umaasa naman ang ating mga kababayan sa barangay san rafael na mas marami pang matutulungan ang UNTV at MCGI medical missions na may layuning umayuda sa mga mahihirap at nangangailangan.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,