Iprinisinta ng multi-stake holder technical working group ang tatlong taong resettlement plan para sa Quezon City upang maituloy na ang mga nakabinbing programa para sa lungsod.
Ilan sa mga proyektong ito ay ang implementasyon ng national at local road network projects, rehabilitasyon at upgrade ng mga lumang water utility at pipelines sa bansa, konstruksyon ng flood control solutions at iba pa.
Mangangailangan naman ng P20 bilyong ang nasabing plano.
Base sa 2015 census, tinatayang mahigit limamput limang pamilya ang kailangang mailipat sa mga pabahay
(Aiko Miguel/UNTV Radio)
Tags: QC, Resettlement plan