Rescue Team ng Pilipinas, idedeploy sa Syria para tumulong sa rescue operations

by Radyo La Verdad | February 15, 2023 (Wednesday) | 10629

METRO MANILA – Magde-deploy ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 6-man team na tutulong sa mga kababayan nating Pilipino na biktima rin ng malakas na lindol na tumama sa Syria.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega, nasa 60 Pilipino ang nagtatrabaho sa syria na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol.

Sa kabila nito wala naman sa mga Pinoy sa Syria ang nasawi sa lindol.

Samantala posible nang maiuwi ngayong Linggo ang labi ng 1 pang Pinay na iniulat na nasawi sa lindol sa Turkiye.

Ayon sa DFA inaasikaso na nila ang repatriation nito at tiniyak na magbibigay ng tulong ang pamahalaan.

Habang nailibing na ang bangkay ng 1 pang pinay doon alinsunod na rin sa kagustuhan ng kanyang asawa na isang Turkish national.

Sa ngayon ay inaasikaso na rin ng Pilipinas ang proseso ng repatriation sakaling mayroong mga Pinoy sa Turkey ang nais nang umuwi ng Pilipinas.

Pero ayon sa DFA, kinakailangan pa ring asikasuhin ang kanilang citizenship lalo’t ang iba sa kanila ay pawang mga Turkish citizen na.

Sa datos ng DFA mayroong mahigit sa 200 mga Pilipino sa Turkiye ang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama doon.

Tags: , ,