Bago pa maramdaman ang epekto ng bagyong Ramon, ngayon pa lamang ay handa na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Isabela Province.
Sa ngayon ay naka-standby na ang lahat ng kanilang mga rescue equipment, evacuation centers at relief goods para sa mga posibleng masalanta ng bagyo sa lalawigan.
Ayon kay Isabela Assistant PDRRMC Colonel Basilio Dumlao, kahapon ay nagsagwa na sila ng pagpupulong kasama ang iba pang disaster management unit at pinag-usapan ang mga paghahanda para sa paparating na bagyo.
Sa ngayon nakaposisyon na ang kanilang mga ambulansya, truck at barracuda boats na gagamitin sakaling kailanganing ilikas ang mga residente dito,lalong-lalo na ang mga naninirahang sa mababang lugar at coastal areas.
Naka-standy na rin ang nasa 600 foodpacks para sa relief operations. Naglalaman ang kada food pack ng apat na kilong bigas, anim na canned goods, bottled water at kape. Prayoridad na maibigay ang mga ito sa mga residente na naninirahan sa coastal areas, upang hindi na maobliga na pumalaot ang mga mangngisda.
Sa ngayon ay nag-isyu na Isabela PDRRMO ng gale warning kaya’t bawal nang pumalot ang mga mangingisda.
Passable pa ang lahat ng tulay at mga kalsada dito sa isabela at wala pa ring mga residenteng inililikas dahil mamayang gabi pa inaasahang magsisimulang maramdaman ang mga pagulan.
Inabiushan na nila ang mga residente sa posibilidad paglikas dahil sa inaasahang mga paghanda at landslide sa ilang lugar. Kabilang sa mga lugar na mahigpit na minomonitor ng PDRRMC ang Sta. Maria, Cabagan, Sto. Tomas, Delfin Albano, Benito Soliven at Don Mariano.
Mahigpit rin nilang binabantayan ang posibilidad ng pagapaw ng Cagayan River dahil sa mga residenteng naninirahan malapit sa ilog.
(Joan Nano | UNTV News )